Wednesday 26 April 2017

Gil Cuerva, dream come true na makasama at makatrabaho si Jennylyn Mercado

By: Mark Anthony Aburquez Madera


Masayang masaya si Gil Cuerva dahil sa pagkakapili sa kanya bilang Mateo Do sa Pinoy remake ng My Love From The Star.

Sabi ni Gil, audition pa lang ay pangarap na niyang makilala si Jennylyn Mercado, at ngayon sila na ang magkasama sa sikat na koreanovela ay labis-labis ang kanyang kasiyahan.

Dagdag pa niya, hindi lang niya makikilala si Jen kundi makakatrabaho pa niya...

"I will try my best to be (the Pinoy) Matteo Do because nakakatawa ang kanyang character" saad niya sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News.

Sa pictorial palang nina Jen at Gil kahapon April 25, 2016 ay kitang-kita na ang kanilang chemistry.
Kaya naman sisiguraduhin daw ni Gil na bawat araw na magkasama sila ni Jen ay matututo siya at mag-eenjoy.

"It's work pero i will enjoy what i will do and i gets the best part about it"

"Kahit paano nakakapagshare kami ng mga experiences namin, Importante yun eh mas lalo yun sa mga nakakapagkatrabaho ko. Importante ang foundation kasi parang mas totoo hindi ang arte"


A post shared by GIL CUERVA (@gilcuerva) on
Ayon naman kay Ultimate Star na si Jen, challenge sa kanya na mailabas muli ang kanyang galing comedy.

"Kala nila kasi pagsinabing mong My Love From the Star or Stefie ay nakakatawa lang, ano ba yang makulit lang. Pero ang hindi nila alam kay Stefie na malungkot talaga syang tao. So mahirap ang pinapakita mo na kailangan mong masaya pero dapat maramdaman nila ang pain at tsaka hurt sa loob"


Mapapanood ang My Love From the star ngayong May na sa GMA Telebabad.





Pia Wurtzbach meets with ABS-CBN executives


Si Pia na ba ang bagong Darna?

‘Yan ang tanong ngayon ng netizens matapos  lumabas ang litrato ni Miss Universe 2016 kasama ang ilang executive ng ABS-CBN.

Batay sa Instagram post ng manager ni Pia na si Jonas Gafud, nagkaroon ng lunch meeting ang kampo ni Pia kasama sina ABS-CBN chief content officer and former president Charo Santos-Concio, Ms. Linggit Tan, Ms. Mariole Alberto, Malou Santos at Lauren Dyogi.


Kasama rin sa pulong ang beterana at blockbuster director na si Olivia Lamasan.


Kaya naman ngayon palang ay excited na ang mga fans ni Pia kung balik showbiz na ito at siya na ba ang susunod na lilipad bilang si Darna. 

Pero bago ang naturang pulong ay nauna nang sinabi ni Pia sa isang interview na hindi siya ang papalit kay Angel Locsin na gagaganap sa Pinoy superhero. Si Pia ay nakatakdang mag-host sa Binibining Pilipinas 2017 sa April 30 kasama si Xian Lim.

Tuesday 25 April 2017

Ano ang pinaglilihian ni Kylie Padilla?





Aminado si dating Encantadia 2016 at Kapuso star Kylie Padilla na nahirapan siya sa kanyang pagdadalang tao.

Sa bagong video na kanyang inilathala sa kanyang Youtube account ay sinagot niya ang ilan sa mga katanungan mula sa kanyang mga fans.

Tanong ng isa sa kanyang mga fans,nahihirapan ba siya sa kaniyang pagbubuntis? na agad namang sinagot ng Kapuso actress... "'Yung first trimester lang talaga 'yung mahirap sa'kin kasi 'yung morning sickness. 'Yung sinasabi nilang morning sickness, hindi lang siya sa morning, buong araw siya."

Ibinahagi rin ni Kylie ang pagkain na kanyang pinaglilihian.

"More on cheesy na pagkain (gaya ng) lasagna."

Sa ngayon ay anim na buwan ng buntis si Kylie sa anak nila ni Aljur Abrenica.

Pilot Episode ng Dobol B sa News TV, Trending at Pinag-usapan


Trending at pinag-usapan hindi lang online ang pilot episode ng Dobol B ng News TV kahapon, April 24, 2017.
Sa katunayan, maniinit na pinag-uusapan ito sa Twitter world at nag-trending.


Maraming natuwang kapuso fans na napapanood muli ang Dobol B sa News TV sa 'free TV'. Bukod pa dyan ay kapansinpansin din ang bagong bihis na studio ng GMA Super Radyo DZBB 594khz.

KimErald, malapit nang muling mapanood sa telebisyon…


Pagtupad ng pangarap at pagkamit ng tunay na pag-ibig ang matutunghayan sa “Ikaw Lang ang Iibigin,” ang seryeng pinagbibidahan ng nagbabalik-telebisyon na tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa ABS-CBN.

Mula “Sana Maulit Muli,” “My Girl,” “Your Song,” “Tayong Dalawa,” at “Kung Tayo’y Magkakalayo,” muling mapapanood ang KimErald sa naiiba nilang pagganap sa telebisyon na dapat abangan ng kanilang mga tagasuporta. Masasaksihan din ang bagong tambalan nina Jake Cuenca at Coleen Garcia na siguradong namang magmamarka sa puso ng mga manonood.

Tutukan ang kuwento nina Bianca (Kim Chiu) at Gabriel (Gerald Anderson), dalawang magkababatang determinadong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Nangangarap si Bianca na maging triathlete upang masuportahan ang kanilang pangangailangan. Gayon din si Gabriel, na sanay sa laban ng buhay at nabubuhay para sa pamilya. Sa pagtupad nila ng kanilang mga pangarap, mararamdaman din nila ang unang pag-ibig sa unti-unting pagkakalapit ng kanilang mga puso.

Ngunit agad ding magkakalayo ang landas ng dalawa dahil kakailanganing umalis ni Bianca ng probinsya upang maipagamot at maisalba ang buhay ng ama nitong may sakit.

Sa kanilang pagkakalayo, magkaibang karera ang kanilang tatahakin. Ngunit pag-ibig pa rin ang magtatagpo sa kanilang mga landas sa pagkikita nila sa isang triathlete event ng TigerShark, na pinamumunuan ni Carlos (Jake Cuenca), ang taong hahadlang sa kanilang pagmamahalan.

Si Carlos ang number one triathlete ng bansa – hindi sanay matalo at gagawin ang lahat upang makuha ang tiwala ng ama. Para mapalago ang kanyang kumpanya, kukunin niyang endorser si Bianca. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog ang loob niya sa dalaga, kahit pa humadlang ang dati niyang nobyang si Isabelle (Coleen Garcia).

Dito mag-uumpisa ang laban nina Carlos at Gabriel hindi lang sa larangan ng triathlon, kung hindi pati na rin sa puso ni Bianca. Ngunit mas titindi ang kanilang laban sa pagsiwalat ng mga sikreto ng nakaraan na nagbabadyang sumira sa kanilang mga buhay.

Magkasama pa rin kayang matupad nina Bianca at Gabriel ang kanilang mga pangarap? Magtagumpay kaya si Carlos na sirain ang kanilang pagmamahalan? Mapatunayan kaya nilang hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig?

Kasama rin sa “Ikaw Lang ang Iibigin” sina Gina PareƱo, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael De Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Nicco Manalo, Ivan Carapiet, Andrea Brillantes, at Grae Fernandez. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas at Onat Diaz at panulat nina Noreen Capili at Anton Pelon.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

*Article from ABS-CBN PR

Pres Duterte, Approves GMA Network Franchise Renewal

By: Mark Anthony Aburquez Madera


Pinalawig pa ng panibagong 25 years ang prangkisa ng isa sa mga leading broadcast network sa bansa na Republic Broadcasting System (RBS) o GMA Network Inc.

Pinirmahan na ni Pang. Duterte noong Biyernes, April 21, 2017 ang batas para sa franchise renewal ng GMA ilang lingo matapos maisumite naman ng bersyon ng Senado at Kongreso noong March 14, 2017.

Ang RA 7251 ay naamyendahan sa RA 109251 o ang pagpapahintulot sa RBS (GMA7) na mabigyan ng prangkisa para makapagpatayo, mag-install, mag-operate at mapanatili ang kanilang stasyon ng radio at TV sa Pilipinas.


Monday 24 April 2017

Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, ikakasal na

By: Tootie


Sa hinabahaba man ng prusisyon tila sa simbahan na ang tuloy ng on- and-off relationship nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dahil batay sa pahayagan na Inquirer, nakatakdang magpakasal ang dalawa sa Paris, france sa buwan ng September.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng mensahe ang mga malalapit na kaibigan ng dalawa mula sa kanilang anak na si Scarlet Snow, “This is Scarlet Snow Belo and I would like to invite you to be present when my parents, Daddy Hayden and Mommy Vicki, get married in our favorite city, Paris.”

25 taon ang agwat ng edad ng dalawa at sila’y official na magkasintahan noong 2005.

Ang kanilang relasyon ay naging kontrobersyal nang pumutok ang sex scandal ni Hayden noong 2009 na dahilan ng pagkakatanggal ng kanyang lisensya sa medisina.

Noong taon ding iyun ay nag-hiwalay ang dalawa pero nagkabalikan. At noong 2016 ay ibinalita nila ang pagkakaroon nila ng anak na si Scarlet Snow.


Kontrabersyal Post sa Twitter, Ikinagalit ng AlDub fans; GMA Exec, may paglilinaw



Noong nakaraang araw ay naging kontrabersyal ang naging tweet ni GMA Creative Unit Suzette Doctolero na "FLOP" ang GMA Telebabad's program Destined To Be Yours.

"To be honest abt it, the writing teams doing their best thats why its rating now unlike he first 3 weeks ata na flop. Now its good. — Suzette Doctolero (@SuziDoctolero) April 19, 2017.

Ikinagalit ito ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

May paglilinaw naman si GMA Network's Senior Vice President for Entertainment TV na Ms. Lilybeth G. Rasonable kaugnay sa naturang isyu.

"Her tweets are her personal opinions and not those of the Network. We will deal with her separately and privately,"

"Destined To Be Yours' average rating from pilot episode to present is higher than competition. Alden and Maine's chemistry has become more and more evident as the story progresses and this makes the scenes more kilig than ever. As producers, how can we not be happy with a winning show?"

"DTBY's story was really written to end in May. It is NOT being shortened. We fixed the schedule kasi that after the soap, they will already start shooting for the movie," she clarified.

She also took the time to thank fans who have kept their support for the show.

"We would like to thank all the viewers for their staunch support. We promise you that we will continue to make DTBY a memorable one for all of you,"

Brunei Businesswoman sinisiraan daw ni Pia Wurtzbach ?




By John Fontanilla

Masama ang loob ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya sa 2015 Ms Universe na si Pia Wurtzbach na diumanoy sinisiraan siya sa ibang artist at ito'y nakarating sa kanya .

Kuwento nga ni Ms Kathelyn ng makausap namin through facebook chat "Walang sense of appreciation si Pia. Hindi niya nakita 'yung nga magagandang ginawa ko sa kanya. And worse, wina-warningan pa niya ang ibang celebrities na mag-ingat daw sa akin,"

Nagkakakilala daw sila ni Pia "After ms universe invited ako family marlon mag dinner sa bahay nila ,

" And i invited them punta Brunei at sinabi ko may bago ako bukas spa pagdarating sila si pia mag grand openning after ms universe na meet ko family ni maxine at si maxine mismo thru dianne medina and rodjun niyaya ko din na una si maxine dumating brunei at family ,

"Nung nandito na maxine tumawag sa viber ko ang lawyer ni Pia si atty py sabi niya facetime at Sent from my iPhone

"Tapos ask ko si Atty if mag kano tf sabi wala panay nga sabi atty na mabait pia sobra saya ko at nakaka proud kaya sa sobra tuwa ko binigay ko ang bago ko buy na bag na hermes.

"Pag dating niya sa brunei sinalubong siya lahat staff ko nag hire ako mag video at camera sa kanya hindi yun media ng brunei hindi uso ang media at mag salubing sa guest sa mga royal family lang na may ganyan pag sa mga private invitation wla hindi ka naman papalabas sa media .

"Pag dating pa lang lahat mga tao comment sila suplada panay ako protection sabi ko pagod siya intindihin natinin ,

"The next day saturday yun usapan mag lunch 11am sa resto ko kaso mga 1pm na siya bumaba ok kang ilan oras ako nag hintay nung nasa resto siya may isa akong guest at yung company lawyer ko , we eat together sa mesa pina closed ko ang resto ko para kami kami lang para di siya magulo ng mga tao and surrounded ng security ng mga staff ko yung isa sa may ari ng malaki boutique dito invite siya at nag promise bigyan siya damit , nag ok siya don di ko nga alam usapan nila bigla na lang ako tinawag ng chinese na pia is going to my showroom because we prepare dress for her,

"Sagot ko sa chinese maam i cannot decide u better ask Pia if she say ok its also ok for me , hindi ko siya dinala kung san san except nung gabi nasa bahay kami may tumawag sa akin at nakiusap gusto siya ma meet ng royal family ask ko muna lawyer niya if ok sa kanya or hindi ,Nag oo siya,

" On the next day is sunday yun na openning ng spa ko kaso hindi siya sumipot na shock ako nag mukha ako tanga dami tao sa salon mga ofw nag abang sa kanya hindi mo maiwasan yun kasi Ms Universe siya ,
"Ganun pa man pina secure ko talaga bigla messge lawyer niya na hindi siya lalabas na shock ako ganon pa man nanahimik ako sabi ko bakit ganon nag sayang ako pera pero hindi ako pinag bigyan nila ,

"Kaya ang sama sama ng loob ko talaga , pero kahit ganon pa nangyari inasikaso ko sila ilan beses na kami nag prepare ng food dinner , lunch hindi sila sumipot bigla na lang mag message sa viber ayaw lumabas ni Pia , minsan biglang mag message gutom kaya natataranta kami ,

"Ito ang totoong kuwento nung bago siya umuwin tumawag ang Borneo Bulletin sa akin kung pwede ma interview si Pia kung ano masasabi niya sa lugar ng Brunei,

May pakiusap daw ito sa mga tao sa paligid ni Pia "Kaso ayaw niya hinarang ng lawyer at mother ni Pia at ayaw ni Marlon surrounded siya ng mga tao kahit mali ok lang dapat mag good advice naman sila para mabago ni Pia ang asal niya.

Dobol B sa News TV, Bagong Yugto ng GMA Super Radyo DZBB 594khz




Excited ang mga Kapuso sa pagbabalik ng radio-television show ng GMA News TV na Dobol B sa News TV.
Kamakailan lang ay pansamantalang nawala sa ere ang naturang programa at pinalitan ng Kape at Balita nina dzBB anchors Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez at GMA News reporter Mariz Umali noong 2012.
Sa pagbabalik ng Dobol b sa News TV ay mas exciting ang pakikinig at panonood mula 6:00AM hanggang 11:00AM.
Umaga pa lang ay makakasama na si Mike Enriquez sa Saksi sa Dobol B at susundan ng Super Balita sa Umaga Nationwide kasama si Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel.
Mapapanood din ang napakakulit at kontrobersyal na 'Sino?' at 'Jeng-Jeng' kasama sina Ali Sotto, Arnold Clavio at Mike Enriquez, at pagdating ng 10:00AM makakasama sina Ali Sotto at Igan sa Dobol A sa Dobol B.
Ang Dobol B sa GMA News TV ay mapapanood sa free TV simula na sa Lunes, April 24, 2017 mga Kapuso!

Jona, di takot mawala ang cellphone dahil wala naman daw itong sex video scandal




By John Fontanilla

Wala daw sex scandal video sa kanyang cellphone ang biritera at miyembro ng ASAP diva's na si Jona former Jonalyn Viray , kaya naman daw kahit mawala ang Cellphone nito ay safe na safe siya at hindi takot na baka may kumalat na sex video .

Biniro kasi ito ng mga press people na umatend sa Birthday ni Nanay Jobert Sucaldito kung saan umatend din si Jona at di sinasadyang maiwan nito ang kanyang cellphone sa venue na pinagdausan ng kaarawan ni Nanay Jobert.

Kaya naman dali dali itong bumalik ilang minuto ang nakaraan para balikan ang kanyang Cellphone at sabay na biniro ng press na baka natatakot itong mawala ang kanyang cellphone dahil baka may kumalat na sex video .

Ani Jona "Naku wala akong sex scandal kaya mawala man ang cellphone ko safe na safe ako ." Sabay tawa ng mahusay na singer .

Ellen Adarna on her butt exposure: "Im not done yet"




Former Bubble Gang babe Ellen Adarna dropped a bomb on Instagram last week by posing butt naked.

The sexy photo of Ellen now has 133,000 likes as of writing.

Ellen also hinted that netizens should expect more sizzling hot photos from her in the future.

“Im not done yet. "Dont get mad, get beautiful." "Ang magalit, papangit." "Ang masuko, oyamot."

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on