Wednesday 26 April 2017

Gil Cuerva, dream come true na makasama at makatrabaho si Jennylyn Mercado

By: Mark Anthony Aburquez Madera


Masayang masaya si Gil Cuerva dahil sa pagkakapili sa kanya bilang Mateo Do sa Pinoy remake ng My Love From The Star.

Sabi ni Gil, audition pa lang ay pangarap na niyang makilala si Jennylyn Mercado, at ngayon sila na ang magkasama sa sikat na koreanovela ay labis-labis ang kanyang kasiyahan.

Dagdag pa niya, hindi lang niya makikilala si Jen kundi makakatrabaho pa niya...

"I will try my best to be (the Pinoy) Matteo Do because nakakatawa ang kanyang character" saad niya sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News.

Sa pictorial palang nina Jen at Gil kahapon April 25, 2016 ay kitang-kita na ang kanilang chemistry.
Kaya naman sisiguraduhin daw ni Gil na bawat araw na magkasama sila ni Jen ay matututo siya at mag-eenjoy.

"It's work pero i will enjoy what i will do and i gets the best part about it"

"Kahit paano nakakapagshare kami ng mga experiences namin, Importante yun eh mas lalo yun sa mga nakakapagkatrabaho ko. Importante ang foundation kasi parang mas totoo hindi ang arte"


A post shared by GIL CUERVA (@gilcuerva) on
Ayon naman kay Ultimate Star na si Jen, challenge sa kanya na mailabas muli ang kanyang galing comedy.

"Kala nila kasi pagsinabing mong My Love From the Star or Stefie ay nakakatawa lang, ano ba yang makulit lang. Pero ang hindi nila alam kay Stefie na malungkot talaga syang tao. So mahirap ang pinapakita mo na kailangan mong masaya pero dapat maramdaman nila ang pain at tsaka hurt sa loob"


Mapapanood ang My Love From the star ngayong May na sa GMA Telebabad.





No comments:

Post a Comment