Monday 24 April 2017

Dobol B sa News TV, Bagong Yugto ng GMA Super Radyo DZBB 594khz




Excited ang mga Kapuso sa pagbabalik ng radio-television show ng GMA News TV na Dobol B sa News TV.
Kamakailan lang ay pansamantalang nawala sa ere ang naturang programa at pinalitan ng Kape at Balita nina dzBB anchors Joel Reyes Zobel, Susan Enriquez at GMA News reporter Mariz Umali noong 2012.
Sa pagbabalik ng Dobol b sa News TV ay mas exciting ang pakikinig at panonood mula 6:00AM hanggang 11:00AM.
Umaga pa lang ay makakasama na si Mike Enriquez sa Saksi sa Dobol B at susundan ng Super Balita sa Umaga Nationwide kasama si Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel.
Mapapanood din ang napakakulit at kontrobersyal na 'Sino?' at 'Jeng-Jeng' kasama sina Ali Sotto, Arnold Clavio at Mike Enriquez, at pagdating ng 10:00AM makakasama sina Ali Sotto at Igan sa Dobol A sa Dobol B.
Ang Dobol B sa GMA News TV ay mapapanood sa free TV simula na sa Lunes, April 24, 2017 mga Kapuso!

No comments:

Post a Comment