Wednesday 26 April 2017

Pia Wurtzbach meets with ABS-CBN executives


Si Pia na ba ang bagong Darna?

‘Yan ang tanong ngayon ng netizens matapos  lumabas ang litrato ni Miss Universe 2016 kasama ang ilang executive ng ABS-CBN.

Batay sa Instagram post ng manager ni Pia na si Jonas Gafud, nagkaroon ng lunch meeting ang kampo ni Pia kasama sina ABS-CBN chief content officer and former president Charo Santos-Concio, Ms. Linggit Tan, Ms. Mariole Alberto, Malou Santos at Lauren Dyogi.


Kasama rin sa pulong ang beterana at blockbuster director na si Olivia Lamasan.


Kaya naman ngayon palang ay excited na ang mga fans ni Pia kung balik showbiz na ito at siya na ba ang susunod na lilipad bilang si Darna. 

Pero bago ang naturang pulong ay nauna nang sinabi ni Pia sa isang interview na hindi siya ang papalit kay Angel Locsin na gagaganap sa Pinoy superhero. Si Pia ay nakatakdang mag-host sa Binibining Pilipinas 2017 sa April 30 kasama si Xian Lim.

No comments:

Post a Comment