Monday 24 April 2017

Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, ikakasal na

By: Tootie


Sa hinabahaba man ng prusisyon tila sa simbahan na ang tuloy ng on- and-off relationship nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dahil batay sa pahayagan na Inquirer, nakatakdang magpakasal ang dalawa sa Paris, france sa buwan ng September.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng mensahe ang mga malalapit na kaibigan ng dalawa mula sa kanilang anak na si Scarlet Snow, “This is Scarlet Snow Belo and I would like to invite you to be present when my parents, Daddy Hayden and Mommy Vicki, get married in our favorite city, Paris.”

25 taon ang agwat ng edad ng dalawa at sila’y official na magkasintahan noong 2005.

Ang kanilang relasyon ay naging kontrobersyal nang pumutok ang sex scandal ni Hayden noong 2009 na dahilan ng pagkakatanggal ng kanyang lisensya sa medisina.

Noong taon ding iyun ay nag-hiwalay ang dalawa pero nagkabalikan. At noong 2016 ay ibinalita nila ang pagkakaroon nila ng anak na si Scarlet Snow.


No comments:

Post a Comment