Tuesday 25 April 2017

Ano ang pinaglilihian ni Kylie Padilla?





Aminado si dating Encantadia 2016 at Kapuso star Kylie Padilla na nahirapan siya sa kanyang pagdadalang tao.

Sa bagong video na kanyang inilathala sa kanyang Youtube account ay sinagot niya ang ilan sa mga katanungan mula sa kanyang mga fans.

Tanong ng isa sa kanyang mga fans,nahihirapan ba siya sa kaniyang pagbubuntis? na agad namang sinagot ng Kapuso actress... "'Yung first trimester lang talaga 'yung mahirap sa'kin kasi 'yung morning sickness. 'Yung sinasabi nilang morning sickness, hindi lang siya sa morning, buong araw siya."

Ibinahagi rin ni Kylie ang pagkain na kanyang pinaglilihian.

"More on cheesy na pagkain (gaya ng) lasagna."

Sa ngayon ay anim na buwan ng buntis si Kylie sa anak nila ni Aljur Abrenica.

No comments:

Post a Comment